HABI | WEAVE Collection #2
Ang tradisyonal na paghahabi ay ang paggawa ng tela sa pamamagitan ng pagpatong-patong (pahalang at patayo) ng mga sinulid na mayroong mausisang metodo sa paggawa at naaangkop sa kultura ang disenyo. Ang habi ay isa sa mga pangunahing gawain sa isang sinaunang komunidad na pinangungunahan ng mga kababaihan. Ang mga ito ay maaaring sumisimbolo sa pang araw-araw na buhay ng etnolingwistikong grupo nagmamayari nito; sa kanilang relihiyon o paniniwala, pagtatanim, pagaasawa, panganganak, atbp. Sa kasalukuyan ay buhay at mayabong pa rin ang kultura ng paghahabi sa Pilipinas, partikular sa Kordilyera. Bagaman may mga hinaharap na hamon ay patuloy ito na sumasabay sa kontemporaryong panahon. [1] Isa sa mga tradisyonal na manghahabi sa lungsod ng Baguio at probinsya ng Benguet ay si Manang Cathy Ekid, siya ay mula sa etnolinggwistikong grupo na Can-eo Bontoc. Sa una ay kinokontrata lamang si Manang Cathy ng isang malaki at sikat na kumpanya na nagtitinda ng mga habi sa lungsod ng Baguio, nguni