MACARIO SAKAY
“Hindi kami mga bandido…kami ay mga rebolusyonaryong ipinaglalaban ang kalayaan ng aming Inang Bayang Pilipinas!” Ito ay parte ng mga huling salita ni Macario de Leon Sakay, o mas kilala sa pangalang Macario Sakay. Ipinanganak sa Tondo, Maynila noong 1878, lumaki at namulat si Macario Sakay sa hirap, at mula sa kanyang kinalalagyang estado ay nakita niya ang pang-aapi at pang-aabuso ng mga Kastila sa kapwa niya Pilipino. Ito ang naging dahilan upang siya ay sumali sa Katipunan. Si Sakay ay isa sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan at mabuting kaibigan ni Andres Bonifacio. Hindi tulad ng ibang mga bayani, si Sakay ay tahimik na ginampanan ang kanyang papel sa rebolusyon laban sa mga Kastila; ipinagpatuloy rin niya ang pakikipaglaban sa mga Amerikano matapos mahuli si Aguinaldo. Si Macario Sakay ay isang magandang ehemplo na hindi hadlang ang kahirapan upang paglingkuran ang ating Inang Bayan.
EXPANDABLE TOTE BAG
FB: https://www.facebook.com/salaysaynamaysaysay
IG: https://www.instagram.com/salay.say/
Comments
Post a Comment