Josefa Llanes Escoda
Kung ikaw ay nakahawak na ng isang libong pisong pera, mapapansin mo sa likod nito na may tatlong personalidad ang nakalagay rito. Isa sa tatlong personalidad na ito ay babae na ang pangalan ay Josefa Llanes-Escoda. Pero sino nga ba si Josefa Llanes-Escoda at bakit nga ba siya nasa likod ng Isang libong pisong-papel?
Kilala si Josefa “Pepa” Llanes-Escoda bilang isang Social Worker na naglingkod sa mga Pilipino noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig at sa pagtatatag ng Girl Scouts of the Philippines. Subalit hindi lamang ito ang nagging papel niya sa ating lipunan at kasaysayan.
Ipinanganak noong ika-20 ng Setyembre taong 1898, si Pepa ay panganay sa pitong magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay sina Mercedes Madamba at Gabriel Llanes. Matalinong bata si Josefa, siya ay nagtapos ng kanyang elementarya bilang Valedictorian mula sa Dingras Elementary School at Salutatorian naman sa sekundarya mula sa Laoag Provincial High School. Nakapagtapos din siya ng kanyang kolehiyo na With Honors sa Philippine Normal College (ngayon ay Philippine Normal University) noong 1919.
Taong 1922 naman ay nakuha ni Pepa ang kanyang high school teacher’s certificate mula sa Unibersidad ng Pilipinas kasabay ng kanyang trabaho bilang isang guro. Nakamit naman niya ang kanyang Masterado sa Sosyolohiya mula Columbia University noong 1925, sa pamamagitan ng scholarship ng American Redcross (Philippine Chapter) noong siya ay nagtrabaho dito bilang isang social worker.
Ang naging karanasan ni Pepa sa Estados Unidos ang nag udyok sa kanya upang itatag ang Girl Scouts of the Philippines nang siya ay makabalik dito sa Pilipinas. Siya rin ay nagging aktibo sa pagsulong at pagtaguyod ng karapatan ng mga babae sa pagboto at paglahok sa pulitika. Sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinagsilbihan ni Pepa ang kanyang kapwa Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng gamut a at pagkain sa mga Prisoners of War, lalo na sa kasagsagan ng Death March.
Kung pag-uusapan lang din ang kabayanihan ng mga kababaihan sa ating kasaysayan, nararapat lamang na mabanggit rin si Josefa Llanes-Escoda dahil sa mga kontribusyon niya sa pagtataguyod ng kahalagahan ng kababaihan sa lipunan.
Shopee: https://shopee.ph/product/331453383/9274996193?smtt=0.331472958-1626252740.9
FB: https://www.facebook.com/salaysaynamaysaysay
IG: https://www.instagram.com/salay.say/
Comments
Post a Comment