ORYANG


Si Gergoria de Jesus o mas kilala sa tawag na “Oryang” ay ang minamahal na asawa ni Andres Bonifacio. Madalas, ito lamang ang alam ng karamihan tungkol kay Gregoria de Jesus; ngunit ang hindi alam ng marami, si Oryang ay isa ring Katipunera – ang Lakambini ng Katipunan. Bilang isa sa mga naunang babaeng sumali sa kilusan, naging trabaho niya ang suportahan ito sa iba’t-ibang paraan. Gaya na lamang ng pagdaraos ng piging habang ang kanyang asawa at iba pang kasapi ng Katipunan ay nagpupulong. Isa rin sa kanyang naging tungkulin ay ang magtago ng mga dokumento ng Katipunan. Ang pag-aatas sa kanya ng tungkuling ito ay isang tanda ng malalim na pagtitiwala sa kanya ng mga kasapi ng kilusan. Bilang asawa at katipunera, ginamapanang maigi at mahusay ni Oryang ang kanyang responsibilidad hindi lamang sa kanyang asawa kundi pati na rin sa bayan.

Shopee link https://shopee.ph/Expandable-Tote-Bag-Oryang-i.331453383.7460645965
Shopee link https://shopee.ph/product/331453383/9274996193?smtt=0.331472958-1626252740.9

FB: https://www.facebook.com/salaysaynamaysaysay

IG: https://www.instagram.com/salay.say/


 

Comments

Popular posts from this blog

MACARIO SAKAY

Josefa Llanes Escoda