Teresa Magbanua


Si Teresa Ferraris Magbanua o Teresa Magbanua na kilala rin sa tawag na Nay Isa, ay ang nag-iisang babaeng Na namuno ng rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol at Amerikano. Noong kabataan niya, siya’y nakakitaan na ng mga katangian na kadalasan ay sa mga lalaki lamang nakikita, gaya ng pagsakay sa kalabaw at kabayo. Dahil hindi siya kumikilos gaya ng ibang mga babae, siya ay pinag-aral sa mga paaralang pambabae upang “maiayos” ang kanyang pagkilos. Siya ay naging guro at kalaunan ay naging butihing may-bahay. Ngunit nang pumutok ang rebolusyon, sumama siyang makipaglaban kahit ito ay may pagtutol mula sa kanyang asawa. at Kahit pa noong panahon ng mga Hapon sa Pilipinas ay patuloy pa rin siya sa pagtulong sa mga kapwa Pilipino niya. Si Teresa Magbanua ay isang halimbawa na hindi naging hadlang ang panlipunang pananaw sa mga kababaihan upang ipaglaban ang kasarinlan ng ating bayan.


EXPANDABLE TOTE BAG


FB: https://www.facebook.com/salaysaynamaysaysay

IG: https://www.instagram.com/salay.say/

Comments

Popular posts from this blog

MACARIO SAKAY

Josefa Llanes Escoda