Josefa Llanes Escoda
Kung ikaw ay nakahawak na ng isang libong pisong pera, mapapansin mo sa likod nito na may tatlong personalidad ang nakalagay rito. Isa sa tatlong personalidad na ito ay babae na ang pangalan ay Josefa Llanes-Escoda. Pero sino nga ba si Josefa Llanes-Escoda at bakit nga ba siya nasa likod ng Isang libong pisong-papel? Kilala si Josefa “Pepa” Llanes-Escoda bilang isang Social Worker na naglingkod sa mga Pilipino noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig at sa pagtatatag ng Girl Scouts of the Philippines. Subalit hindi lamang ito ang nagging papel niya sa ating lipunan at kasaysayan. Ipinanganak noong ika-20 ng Setyembre taong 1898, si Pepa ay panganay sa pitong magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay sina Mercedes Madamba at Gabriel Llanes. Matalinong bata si Josefa, siya ay nagtapos ng kanyang elementarya bilang Valedictorian mula sa Dingras Elementary School at Salutatorian naman sa sekundarya mula sa Laoag Provincial High School. Nakapagtapos din siya ng kanyang kolehiyo na With Honors sa
Comments
Post a Comment