Posts

Showing posts from July, 2021

Gabriela Silang

Image
  Si Maria Josefa Gabriela Silang o mas kilala bilang Gabriela Silang ay pinuno ng isang pag-aaklas sa Ilocos. Pinalitan niya ang kanyang asawa na si Diego Silang nang ito ay patraydor na pinatay. Siya ay binansagan bilang “Henerala” dahil na rin sa kanyang mahusay na pamumuno at matagumpay na pakikipaglaban sa mga Kastila. Ngunit hindi lamang isang matapang na babae si Gabriela Silang. Siya ay may pinag-aralan din, nakapagtapos siya ng primarya (elementary) sa panahon na kung saan bibihira lamang sa mga Pilipino, lalo na ang mga kababaihan, ang makapag-aral. Bilang isang babae na nabuhay sa panahon na kung saan may kababaan ang tingin sa mga kagaya niya, makikita natin kay Gabriela Silang na hindi limitasyon ang kasarian upang mamuno at labanan ang mga mananakop at paglingkuran ang Inang Bayan. EXPANDABLE TOTE BAG Shopee link  https://shopee.ph/Gabriela-Silang-expandable-tote-bag-i.331453383.5260647362 Shopee link  Shopee link  https://shopee.ph/product/331453383/92...

Teresa Magbanua

Image
Si Teresa Ferraris Magbanua o Teresa Magbanua na kilala rin sa tawag na Nay Isa, ay ang nag-iisang babaeng Na namuno ng rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol at Amerikano. Noong kabataan niya, siya’y nakakitaan na ng mga katangian na kadalasan ay sa mga lalaki lamang nakikita, gaya ng pagsakay sa kalabaw at kabayo. Dahil hindi siya kumikilos gaya ng ibang mga babae, siya ay pinag-aral sa mga paaralang pambabae upang “maiayos” ang kanyang pagkilos. Siya ay naging guro at kalaunan ay naging butihing may-bahay. Ngunit nang pumutok ang rebolusyon, sumama siyang makipaglaban kahit ito ay may pagtutol mula sa kanyang asawa. at Kahit pa noong panahon ng mga Hapon sa Pilipinas ay patuloy pa rin siya sa pagtulong sa mga kapwa Pilipino niya. Si Teresa Magbanua ay isang halimbawa na hindi naging hadlang ang panlipunang pananaw sa mga kababaihan upang ipaglaban ang kasarinlan ng ating bayan. EXPANDABLE TOTE BAG Shopee link  https://shopee.ph/Expandable-Tote-Bag-Magbanua-i.331453383....

ORYANG

Image
Si Gergoria de Jesus o mas kilala sa tawag na “Oryang” ay ang minamahal na asawa ni Andres Bonifacio. Madalas, ito lamang ang alam ng karamihan tungkol kay Gregoria de Jesus; ngunit ang hindi alam ng marami, si Oryang ay isa ring Katipunera – ang Lakambini ng Katipunan. Bilang isa sa mga naunang babaeng sumali sa kilusan, naging trabaho niya ang suportahan ito sa iba’t-ibang paraan. Gaya na lamang ng pagdaraos ng piging habang ang kanyang asawa at iba pang kasapi ng Katipunan ay nagpupulong. Isa rin sa kanyang naging tungkulin ay ang magtago ng mga dokumento ng Katipunan. Ang pag-aatas sa kanya ng tungkuling ito ay isang tanda ng malalim na pagtitiwala sa kanya ng mga kasapi ng kilusan. Bilang asawa at katipunera, ginamapanang maigi at mahusay ni Oryang ang kanyang responsibilidad hindi lamang sa kanyang asawa kundi pati na rin sa bayan. Shopee link  https://shopee.ph/Expandable-Tote-Bag-Oryang-i.331453383.7460645965 Shopee link  https://shopee.ph/product/331453383/9274996193?...

MACARIO SAKAY

Image
  “Hindi kami mga bandido…kami ay mga rebolusyonaryong ipinaglalaban ang kalayaan ng aming Inang Bayang Pilipinas!” Ito ay parte ng mga huling salita ni Macario de Leon Sakay, o mas kilala sa pangalang Macario Sakay. Ipinanganak sa Tondo, Maynila noong 1878, lumaki at namulat si Macario Sakay sa hirap, at mula sa kanyang kinalalagyang estado ay nakita niya ang pang-aapi at pang-aabuso ng mga Kastila sa kapwa niya Pilipino. Ito ang naging dahilan upang siya ay sumali sa Katipunan.    Si Sakay ay isa sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan at mabuting kaibigan ni Andres Bonifacio. Hindi tulad ng ibang mga bayani, si Sakay ay tahimik na ginampanan ang kanyang papel sa rebolusyon laban sa mga Kastila; ipinagpatuloy rin niya ang pakikipaglaban sa mga Amerikano matapos mahuli si Aguinaldo. Si Macario Sakay ay isang magandang ehemplo na hindi hadlang ang kahirapan upang paglingkuran ang ating Inang Bayan. EXPANDABLE TOTE BAG Shopee Link  https://shopee.ph/Expandable-Tote-B...

Kumander Liwayway

Image
KUMANDER LIWAYWAY   Si Remedios Gomez-Paraiso o mas kilala sa tawag na “Kumander Liwayway” ay isa lamang sa iilang mga babae na sumali sa armadong pakikibaka laban sa mga Hapon noong Ikalawang digmaang pandaigdig. unang Naitalaga bilang isang nars ngunit hindi lumaon ay naging aktibo si Kumander Liwayway sa pakikipaglaban. Ang kanyang “ritwal” na paglalagay ng  lipstick , pag-aayos ng buhok at paglalagay ng  manicure  ay naging simbolo ng kanyang katapangan at pagiging kalmado sa harap ng panganib. Pagkatapos ng digmaan, ang kanyang grupong kinabibilangan ay binansagang mga rebelde ng pamahalaang Pilipinas, ngunit siya ay nagpatuloy pa rin sa pakikipaglaban para sa ikabubuti ng buhay ng kapwa niya. Bagama’t siya ay nahuli at napilitang tumigil sa armadong pakikipaglaban, hindi siya tumigil sa pagtataguyod para sa kanyang mga kasamahan. EXPANDABLE TOTE BAG       Shopee link  https://shopee.ph/product/331453383/6091401128?smtt=0.331472958-1626252798...